Monday, October 17, 2011

KAIBIGAN…SA AKING PANANAW


“Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng oras, sa panahon ng kagipitan ay kapatid na tumutulong.”- Kawikaan 17:17


Minsan aking napagtanto, ano para sa aking ang isang KAIBIGAN?

Dumating ako sa isang konklusyon at nais kong ipamahagi ito sa
Aking Minamahal na Kaibigan.

Ito ay sa isang pagkakataon na nagkakilala tayo,
Sa sariling ibig tayo’y naging magkaibigan ...

Ang pagkakaibigan ay isang kakaibang bagay ...
Natatagpuan natin ang ating sarili

nasasabi sa bawat isa ang mga detalye ng kanilang buhay ...
Mga bagay na hindi natin kayang ibahagi kahit sa ating
mga pamilya na nagpalaki sa atin ...

Subalit Ano ang isang kaibigan??
Isang bantay-salakay?
Isang magkasintahan?
Isang Fellow junkie email?
Balikat na masasandalan

Isang tagapakinig

Pusong may pakiramdam?
Kasangga sa panalangin.


Ang kaibigan ay ang lahat ng mga bagay na aking naturan at higit pa.
Hindi mahalaga kung saan tayo nagkakilala,
Hindi mahalaga kung nasaan ka,

Ako’y palaging naritong nananalangin sa’yo

Aking kaibigan


Maigsing salita

Ngunit higit pa sa pakiramdam
Isang salitang puno na may damdamin.
Ito ay tunay na mahusay na bagay,
dumating sa maliit na mga sisidlan.

Kapag ang sisidlan ng pagkakaibigan ay nabuksan,
hindi ito maaaring maisara ...
Ito ay isang patuloy na libro na laging nakasulat ...
Naghihintay na basahin at kinawiwilihan.

Maaari magkaroon ng di pagkakaunawaan... maaari namang magtaltalan
Maaari magkaroon ng ilang mga alalahanin sa isa ...
Ang pagkakaibigan ay isang natatanging bono na tumatagal sa pamamagitan ng lahat ng ito ...

Ang isang bahagi na sa akin ay nakintal sa aking mga kaibigan ...
Ilang sa mga ito ay ang aking mga katatawanan ... Ang ilang sa mga ito ay ang aking pakikinig ...
Ilang sa mga ito ay tunay na karanasan ng buhay ... ilang sa mga ito ay ang aking mga romanticism ...
ngunit sa lahat, ito ay
pagkakaibigaN.

Pagkakaibigan nililok ay isang tayuan malakas pa kaysa sa bakal na bumuo ng isang pundasyon ...
Kinakailangan para sa BUHAY, at kinakailangan para sa pag-ibig, serbisyo para sa PANGINOON.

Kaibigan…

Ikaw at Ako
Sinimulan natin ang ating bilog ng pagkakaibigan ...
At tulad ng na bilog ay walang simula, walang katapusan.

Ang ating pagkakaibigan ay para sa lamang isang maikli at kaibig-ibig na oras,

ngunit ito’y ay hindi lamang sinusukat sa pamamagitan lamang ng haba ng oras na kilala natin ang bawat isa ...

Salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan
Ito ay maaaring maging isang dramatikong mensahe ...
Ngunit gusto ko lang sabihin...

kung paano ang ating pagkakaibigan ay nangangahulugan sa akin ...



Sunday, October 16, 2011

BAHA...BAHA...Kailan ka mawawala???

Dalawa lang naman ang panahon sa Pilipinas.Tag-araw at Tag-ulan. Pero bakit marami pa rin ang nagugulat at natataranta sa tuwing bumubuhos ang ulan?! Hindi ba tayong pwedeng kumalma lang at tumabi sa bangketa habang binubuksan ang baong payong? Bakit sa tuwing umuulan na lang ay para tayong mga langgam na nagpupulasan at kanya-kanyang diskarte kung paano maiiwasan ang mga patak nito? Kahit alam naman natin na sa tuwing sasapit ang mga buwan ng Hunyo at Hulyo ay siguradong uulan; 'wag na lang nating hulaan kung ano ang eksaktong araw ~ trabaho na ng PAG-ASA 'yan. Kung ulan lang naman ang ikinagugulat natin bakit 'di na lang magdala ng payong? Mahirap ba magdala nito o nahihiya ka at ayaw mong masira ang porma mo?

Matagal na problema na ang urong-sulong na pagdesisyon sa pagsususpindi sa klase ng mga mag-aaral, madalas nakapasok na ang mga estudyante saka pa lamang sasabihin na walang klase! Pero hindi pa rin ito masolusyunan. Paurong ba talaga tayo?

Ganoon na din katagal ang panukala na ilipat ang pasukan ng mga mag-aaral sa buwan ng Setyembre (panahon pa ito ni Marcos) upang maiwasan ang abala sa kanilang pag-aaral. At ngayon muli itong binubuhay sa Senado sa pamamagitan ng Senate Bill 2407 ni Sen. Drilon layon nitong ilipat sa Setyembre ang pagbubukas ng klase sa halip na Hunyo upang makaiwas ang estudyante sa matinding baha at ulan. Ngunit marami ang tumututol at sumalungat sa panukalang ito noon pa man dahil panahon daw ito ng bakasyon kung saan masarap ang magliwaliw at magswimming sa kung saan-saang resort.

Sige hayaan na lang natin na Hunyo hanggang Marso ang pasukan at ang mga buwang maiinit at masarap mag-swimming na Abril at Mayo ang bakasyon.

Pabayaan na lang nating lumusong at lumangoy sa baha ang mga mag-aaral na animo'y mga kaawa-awang mga basang sisiw pauwi sa kani-kanilang mga bahay.

Hayaan na lang nating mag-klase ang mga estudyante sa kasagsagan ng ulan na nakababad ang paa sa baha habang tumutulo ang maingay na patak ng ulan.

Hayaan na rin nating magsuspindi nang magsuspindi ng klase sa tuwing may bagyo at malakas ang ulan dahil mas prayoridad ng mga kritiko at magagaling ang bonding time sa paglalakwatsa kaysa ang quality time sa loob ng silid-aralan.

Mababa na nga ang kalidad ng pag-aaral sa Pilipinas nababawasan pa ang bilang ng mga araw ng kanilang pag-aaral dahil sa panahon ng Tag-ulan.

Tutal pareho naman palang importante ang SWIMMING at pag-aaral, eh di pagsabayin na lang natin.